Si Vina Morales na ang papalit kay Broadway Diva Lea Salonga sa pagganap sa role na "Aurora Aquino," sa broadway musical na "Here Lies Love."

Ang "Here Lies Love" ay broadway musical na Filipino artists ang nagtatanghal, at tungkol ito sa istorya ng pag-iibigan nina dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr. at dating Unang Ginang Imelda Marcos.

Inanunsyo na ng pamunuan ang replacement ni Vina kay Lea, na tatagal lamang mula Setyembre 22 hanggang Oktubre 22, 2023.

"Announcing Filipina sensation @vina_morales as Aurora Aquino for a one month limited engagement only! Welcome to Broadway!" mababasa sa caption ng Instagram post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Come see Vina from September 22 – October 22 and join us on the dance floor!"

Nagkomento naman dito si Lea, "Yahooooooooo!!!!!!!! Welcome to the fam, Vina!!! We are all super excited!!!"

Tugon naman ni Vina, "@msleasalonga thank you coach ☺️❤️🙏 Thank you for guiding me along the way, appreciate it much ☺️❤️ see you soon!!! 🙈☺️❤️🙏"