Nakakaloka talaga ang mga netizen pagdating sa love birds na sina AJ Raval at Aljur Abrenica dahil obviously, naka-move on na nga ang estranged wife ni Aljur na si Kapuso actress Kylie Padilla, pero mukhang hindi ang netizens.

Paano ba naman, may pelikula kasi together under Vivamax sina AJ at Aljur na may pamagat na "Sugapa." Nitong Biyernes, Agosto 18 ay ibinahagi ni AJ ang official trailer nito, at inimbitahan na ang lahat para panoorin sila sa Agosto 25.

"Tataya ka ba sa SUGAL ng puso o sa SARAP ng buhay?," bahagi ng opisyal na caption ng trailer na ibinahagi ni AJ sa kaniyang Facebook post.

Sa comment section, pinutakti ng netizens si AJ at sinabing tila "true to life" daw ang movie title nito.

'Kapagod yung narrative!' Kylie nakiusap 'wag na siyang i-tag kina Aljur, AJ

"Relate ang mga bida sa title."

"True to life story ba hahaha."

"Kaya Pala SUGAPA. Kita naman pati sa totoong buhay."

"Maganda ito malamang true to life ang story."

"Haha bagay sa inyo dalawa Aljur Aj ang movie na 'yan."

"Ano kayang masasabi ni Kylie tungkol dito?"

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon o pahayag sina AJ at Aljur tungkol sa mga sinasabi ng netizens patungkol sa titulo ng kanilang pelikula, at pag-uugnay nito sa kanilang buhay.

Matatandaang lumantad na nang tuluyan sa publiko ang dalawa hinggil sa kanilang relasyon.

Kamakailan lamang, muling pinaalalahanan ni Kylie ang publiko na tantanan na siya at huwag nang i-tag sa posts ng kaniyang ex at sa recent gf nito, na obviously ay sina Aljur at AJ nga.