Noong Enero 2022, pinirmahan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang isang batas (Republic Act 11608) na nag-aatas na palitang FPJ Avenue ang Roosevelt Avenue.
Sa ilalim ng batas, inaatasan nito ang Department of Public Works and Highways (DPWH) na ipatupad ang pagbabago sa loob ng 60 araw mula nang ito ay magkabisa.
Ang Roosevelt Avenue ay aabot sa 2.871 kilometro kung saan matatagpuan ang childhood home ng namayapang aktor.
Matatandaang ipinangalan ang kalsada kay dating United States President Franklin Delano Roosevelt.