Ibinida ng TV host-celebrity online seller na si Mariel Rodriguez-Padilla ang wedding anniversary nila ng mister niyang si Senador Robin Padilla.

13 years na palang kasal ang dalawa. Ginamit pa ni Mariel ang bahagi ng lyrics ng awiting "You're Still the One" ni Shania Twain.

"13 years!!!! 💍 happy anniversary my babe 💕 enter shania twain “looks like we made it 🎵 🎶 🎼 “ yaaaaay," aniya sa caption ng kaniyang Facebook post nitong Sabado, Agosto 19.

Kalakip ng post ang litrato nila ni Robin habang nasa isang restaurant. Makikitang nakayakap sa kaniya ang kaliwang bisig ng senador na mister.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isinagawa ang kanilang Muslim wedding sa Taj Mahal sa bansang India noong Agosto 19, 2010.

Nagkaroon din umano sila ng Christian wedding at isang kasal sa pamamagitan naman ng ritwal ng mga Igorot.

Sa kasalukuyan, sila ay may dalawang anak na babae na sina Isabella at Gabriella.