"Isang mahigpit na yakap!"

Pinusuan ng mga netizen ang Facebook post ng isang amang si "Cristopher Ruel Condo," 38-anyos at isang negosyante mula sa Marikina City, matapos niyang ibahagi ang nagagawa ng simpleng pagyakap sa kaniyang anak na si "Kristoff Colin Condo" o "Tope."

Napagtanto raw niya, hindi lamang nagbibigay-comfort sa isang anak ang yakap ng magulang, kundi comfort din mismo sa magulang.

"Minsan yayakapin mo ang anak mo hindi para icomfort siya, kundi para icomfort ang sarili mo," aniya.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

"There's something about their embraces na kakalma sa'yo, mag-aalis ng pagod mo, magtatanggal ng ANXIETIES, PARANOIA at FEARS mo."

"Babalik ka sa katinuan, biglang gigising ang pagkatao mo."

"Yung yayakapin mo siya kahit hindi naman niya hinihingi. Kasi mas kailangan mo pala..."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Ruel, sa totoo lang daw ay hindi niya naisip noon na magiging tatay siya at may tatawag sa kaniyang "Dad." Nasanay raw kasi siyang "magbuhay-binata."

"Thinking back to 10 years ago, I would have never thought a tiny little human would be calling me DAD. Dati akong laman nang mga bars/clubs and halos araw-araw umaga na umuuwi."

"Gigising nang hapon kasi lasing no'ng gabi, at walang ibang prinoproblema kundi ang plano for the night coming. And this became a routine for me for half of my life, because I thought at that time na yun yung definition of happiness."

Nang dumating daw ang anak, tuluyang nabago ang kaniyang pagtingin sa lahat ng bagay.

Photo courtesy: Cristopher Ruel Condo's FB

"Until I had my son, everything changed. My lifestyle and my priorities turned 360, and I would not have it any other way. Being a heavy drinker before and having such a toxic lifestyle gave me so much anxiety, and mga traumas na hindi ko napansin needed healing."

"Usually, ang mga anak natin ang need ng comfort para sa tamang gabay emotionally, but I realized na baliktad pala. As my child was growing up, mas napapadalas ang paghanap ko sa kaniya throughout the day just to get a hug from him. It gave me assurance, comfort, and clarity that everything will be ok amidst of all the problems we face daily."

"It calmed me down and gave me a reset, para bang breath of fresh air. Doon ko narealize, na ako pala ang ginagabayan ng anak ko through the most simplest gesture , isang malaking 'YAKAP'," aniya.

Photo courtesy: Cristopher Ruel Condo's FB

Sa kasalukuyan ay nasa ospital si Ruel at ang kaniyang partner matapos itong manganak sa kanilang baby girl na si Kelley Cole.

Habang isinusulat ang balitang ito, umabot na sa 12k reactions, 40k shares, at 548 comments ang nabanggit na viral Facebook post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!