Matapos ang kumpirmasyon ni Jon Semira na hiwalay na sila ng ex-girlfriend na si Yassi Pressman, kumalat naman ang isang video kung saan mapapanood ang paghingi niya ng kamay sa aktres.

Sa 10 minutong pag-ere ng video, makikitang naganap ang engagement sa Rancho Bernardo Villas sa Bataan. Dito ay isinalaysay ni Jon kung paano nagkrus ang mga landas nila ng ex. Tinamaan kaagad si Jon nang una niyang makaharap si Yassi sa Canada noong Hulyo 27, 2017.

Super sweet naman ang mga binitiwang pahayag ni Jon sa paghingi ng permiso kay Yassi na iharap ito sa dambana at pakasalan, kaya naman napaiyak na lang ang aktres at ibinigay ang matamis na "Yes!"

Hindi malinaw kung kailan eksaktong naganap ang nabanggit na engagement subalit ipinagpapalagay ng mga netizen na noong 2022 lamang ito.

'Walang third party!' Jon Semira kinumpirmang hiwalay na sila ni Yassi Pressman

Kaya marami ang nagugulat at curious ngayon kung bakit nauwi sa hiwalayan ang dalawa. Hindi naman kasi nagsabi ng anumang detalye si Jon batay sa kaniyang Instagram post. Tikom pa rin naman ang bibig ni Yassi.

“After an amazing run, Yass and I have decided to part ways. We look to move on to our next phase in life in peace and with the support of our family and friends,” ani Jon sa kaniyang Instagram post.

Nilinaw ni Jon na walang katotohanan ang mga kumakalat na tsikang may involve na third party sa kanilang relasyon.

“It’s been a while since the breakup. It was a decision made from the both of us, and us only. The third party rumors are false,” diin ni Jon.

“We wish each other the best and will always appreciate what we had. Our relationship was beautiful and we are both coming out better people because of it. We ask that you let us deal with this in private as we move forward from this.”

Matatandaang nabuksan ang kuryosidad ng mga netizen sa "sweetness" nina Yassi at Congressman Sandro Marcos kamakailan, gayundin kay Camarines Sur Vice Governor Luigi Villafuerte na tinaniman pa ng halik sa pisngi ang aktres.

Subalit giit ni Yassi, magkaibigan lamang sila at walang anumang relasyon.