‘SUMMEOW CUM LAUDE YARN?’

Kinagiliwan sa social media ang Facebook post ni Khlarissa Dela Peña, 22, mula sa Binangonan, Rizal tampok ang paandar ng kanilang pamilya na graduation photo ng kanilang furbaby na si “Zoey.”

“Congrats, Zoey! Happy Graduation! 🩷

Zoey Mathacow

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Bachelor of Science in Sleeping Beauty

Summa Cum Laude

2023,” ani Dela Peña sa kaniyang post.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Dela Peña na nag-iisa nilang pusa si Zoey kaya’t tila baby talaga ang turing nila rito. 

Nakita naman daw niya sa Facebook ang pag-graduate ng kaniyang mga kaibigan kaya’t naisip daw nilang gawan din ng graduation photo ang kanilang furbaby.

Kuwento rin ni Dela Peña, kasama niya ang kaniyang pamilya sa paghahanda ng DIY graduation cap, photo shoot at pag-edit ng picture ni Zoey.

“Illustration board lang po ginamit [namin], bookmark tassel tapos po ‘yung medal ko noong kinder. Kapatid ko na po ang nag-edit sa background,” ani Dela Peña. “Sa bahay lang din po kinuha ‘yung picture, bale buhat po siya ng kapatid ko.”

Kaya rin naman daw “Bachelor of Science in Sleeping Beauty” ang naisip nilang “course” ni Zoey ay dahil puro kain at tulog lamang daw ito.

“Puro kain at tulog lang po ang ginagawa minsan naman po nakikipaglaro at nanghuhuli ng ipis at butiki,” natatawang saad ni Dela Peña.

Nang i-post ni Dela Peña ang graduation photo ng kanilang furbaby sa Facebook group na CAT LOVERS PHILIPPINES, agad itong kinagiliwan ng netizens. 

Sa ngayon ay umabot na sa mahigit 10,000 reactions, 340 comments, at 439 shares ang nasabing post.

“Masaya po ako dahil maraming naka-appreciate sa post ko. Masaya rin po kasi nakikita kong nagshe-share din sila ng mga graduation photo ng mga alaga nila,” saad pa ni Dela Peña.

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!