Marami ang bumilib at naaliw sa Facebook post ni Connie Tantoy Badong, mula sa Baao, Camarines Sur, tampok ang kaniyang 75-anyos na nanay na mahusay pa rin sa pag-backflip sa swimming pool.

“Sino Pambato n’yo sa nanay ko?😅,” caption ni Badong sa kaniyang post kalakip ang video ng kaniyang inang si Patricia.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Badong na nangyari ang naturang video noong nagpadespidida siya bago bumalik ng Qatar.

Talagang magaling daw si Nanay Patricia sa pag-backflip sa swimming pool dahil na rin mula 5-taong gulang hanggang high school ay nag-acrobatic gymnastics na raw ito. Kahit sa pagtanda ay maghapon daw siya sa kanilang animal farm kaya’t tuloy-tuloy rin ang galaw ng kaniyang katawan.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

"Morning to evening galaw-galaw talaga ang nanay ko. May mga farm kasi sya at tindahan mga alagang baboy, fishpan, duck, manok etc. kaya na-maintain niya lakas niya," ani Badong.

“My mom always doing this (pag-backflip sa swimming pool) ever since pa. ‘Di na lang namin pinapansin kasi sanay na kami. Nagkataon lang na gusto ko mag-video sa kaniya the time I take this backflip video in Cfarm pool,” saad pa niya.

Marami naman ang bumilib nang i-share ni Badong ang naturang pag-backflip sa swimming pool ng kaniyang nanay. Umabot na ito sa 3.2 million views, 33,000 reactions, at 164 comments.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:

“Mapa sana all na sana kita kay Nay Patring .”

“Tibay ni Nanay, swimmer siguro noong kabataan niya… Ingat lang po...”

“Wow galing namn ni Nay Patring! Wala sa age sa kainya mag-backflip .”

“Grabe kakagulat ang lakas pa niya.”

“Walang tatalo sa kaniya…”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!