Nakiisa si Vice President at Department of Education (DepEd) Secretary Sara Duterte sa pagbubukas ng Philippine Book Festival sa SMX Convention Center sa Davao City nitong Biyernes, Agosto 18.

Sa kaniyang pahayag, sinabi ni Duterte na sinusuportahan niya ang layunin ng Philippine Book Festival na isulong ang yaman ng kultura, kasaysayan at wika ng bansa.

“Let us stand united in our dedication to fostering lifelong learning and a culture that embraces diversity, empowers minds, and sparks the flames of imagination,” ani Duterte.

“May this festival illuminate our path toward a strong Philippines— where the pages of our shared story are etched with the enduring ink of knowledge, wisdom, and inspiration,” saad pa niya.

Honasan kay Duterte: 'Mag-pray ka’

Pinuri rin ni Duterte ang mahalaga umanong papel ng National Book Development Board (NBDB) sa kanilang pagpapahalaga sa papel ng publishing industry sa edukasyon ng mga Pilipino.

“Ang bawat libro na itinatampok dito ay patunay sa lalim ng kaisipan, kaalaman, imahinasyon at kakayahang magsalaysay ng mga Pilipino,” saad din naman ng DepEd secretary sa kaniyang Facebook post.

Sinabi rin ni Duterte na malaki umano ang kontribusyon ng Philippine Book Festival sa adhikain ng MATATAG Curriculum na nakasentro ngayon sa basic competencies katulad ng pagsusulat at pagbabasa.