Ibinahagi ng TV host-actress na si Toni Gonzaga sa isang video ang panganganak niya sa kaniyang ikalawang anak at ‘new bestfriend’ na si Paulina Celestine.

Sa isang Instagram post nitong Biyernes, Agosto 18, iniupload ni Toni ang isang video kung saan mapapanood ang kaniyang panganganak.

Toni Gonzaga, isinilang na ang second child nila ni Paul Soriano

“You are the greatest reward I’ve ever held in my arms,” saad ni Toni sa caption.

“Thank you for coming right on time just when I needed you the most… My new best friend Polly,” dagdag pa niya.

Matatandaang noong Agosto 11 ipinanganak si Paulina. Nauna itong ibinahagi ng direktor at mister ni Toni na si Paul Soriano.

Maki-Balita: Toni Gonzaga, isinilang na ang second child nila ni Paul Soriano

Samantala, tila nagkatotoo ang manifestation ni Toni hinggil sa pagkakaroon ng anak na isang lalaki at isang babae.

Ibinahagi ni Toni sa kaniyang Instagram story noong Agosto 16 ang isang deleted post noong 2015 kung saan sinabi niyang darating ang araw na magkakaroon sila ng isang lalaki at babaeng anak ni Direk Paul.

Maki-Balita: Toni ibinahagi ang ‘manifesting’ na magkaroon ng baby boy at baby girl noon

https://balita.net.ph/2023/08/17/toni-ibinahagi-ang-manifesting-na-magkaroon-ng-baby-boy-at-baby-girl-noon/