Naispatan daw sina Ricci Rivero at Leren Mae Bautista na palakad-lakad at nagja-jogging sa isang parke sa Laguna.

Ayon sa ulat ng PEP, may mga nakakita raw sa dalawa na naglalakad-lakad sa University of the Philippines Los Baños Freedom Park (UPLB) sa Laguna, bandang umaga.

Hindi binanggit ang eksaktong araw sa ulat subalit sinabing sa "linggong ito" o week.

Kahit daw nakasuot ng face mask ang lalaki, natukoy ng impormante ng PEP na si Ricci ito, at ang babae naman daw ay si Leren.

National

Gatchalian kay Guo: 'See you tomorrow, sana magsabi ka na ng totoo!'

Matatandaang na-link sa isa't isa sina Ricci at Leren nang dumalo sila sa isang outreach program sa Los Baños noong Mayo 26, 2023. Sa kasagsagan ito ng isyu ng paghihiwalay nina Ricci at ex-girlfriend na si Kapamilya star Andrea Brillantes.

Itinanggi naman ni Leren Mae, na konsehala sa nabanggit na lugar, na may kinalaman siya sa hiwalayan ng dalawa.

Grabe naman ang mga reaksiyon at komento ng netizens na mababasa sa comment section ng ulat na ito.

"Mag-friend lang 'yan kayo naman!"

"Jogging as a friend"

"Time is the ultimate truth teller..."

"Ano naman kung magkasama sila pareho naman silang single eh..."

"Walang masama kung parehong single!"

Samantala, wala pang kumpirmasyon mula sa dalawa kung sila nga ang magkasamang naispatan nagja-jogging sa nabanggit na parke sa Laguna. Bukas ang Balita sa panig nina Ricci at Leren Mae.