Ipinaliwanag ng aktres at singer na si Kristel Fulgar ang kaniyang panig kung bakit naudlot on the spot ang kaniyang hosting stint sa fan meeting ng Korean idol na si Seo In-guk noong Lunes, Agosto 12, na ginanap sa New Frontier Hotel sa Quezon City.

Ilang araw bago ang event, inanunsyong si Fulgar ang magsisilbing host nito.

Ngunit sa mismong araw ng fan meeting ay biglang pinalitan si Fulgar "due to unforeseen circumstances."

“Due to unforeseen circumstances, I will no longer be hosting Seo In Guk's fan meet in Manila tonight. While l am saddened by this turn of events, l understand that decisions are made beyond our control,” aniya sa kaniyang Facebook post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“I want to assure you all that my support for Seo In Guk remains steadfast. He is an amazing artist, and I will continue to cheer him on in his endeavors. Thank you for your understanding, love, and support. Let's continue to celebrate Seo In Guk together!” dagdag pa ng aktres.

Noong Agosto 15, emosyonal na ibinahagi ni Fulgar ang kaniyang paliwanag kung bakit bigla siyang na-elbow bilang host sa nabanggit na fan event.

Ito raw ang kauna-unahang beses at karanasan niya, sa 20 taon niya sa industriya ng showbiz.

Ang nagsabi raw sa kaniya na hindi na siya ang magiging host ay ang Korean technical director ng nabanggit na fan meeting. Kuwento pa ni Fulgar, 7:00 pa lamang ng umaga ay nasa venue na siya para sa rehearsal. Excited ang aktres dahil personally ay fan siya ng Korean star.

“I prepared for this for so long. I took the time and prepared myself for this. I never accepted any hosting gigs, just this one for Seo In-guk.”

“I know I’m not an expert in hosting but I know I can connect with my co-fans and that’s what I really wanted to do,” aniya.

Pag-amin niya, dahil rehearsal pa lang naman ay hindi niya muna ibinigay ang 100% ng enerhiya niya.

“Since rehearsal 'yon, hindi ako sanay na ibigay 'yong 100% energy ko. So kung nakulangan sila sa energy sa rehearsal, sabi ko I would do my best. Nag-expect ako na ipapaakyat ako ulit sa stage para maipakita ko 'yong 100% na sinasabi ko pero hindi raw," aniya.

Nalungkot si Fulgar na hindi man lamang siya binigyan ng pangalawang pagkakataon upang patunayan ang sariling deserve niyang mag-host ng nabanggit na fan meeting.

"Kung sinasabi nila na gusto lang namin ng magiging magandang event, hindi man lang ako binigyan ng second chance para mapatunayan ko ang sarili ko," dagdag pa.

Kahit na nagkaganoon, inabangan pa rin ni Fulgar si Seo In-guk upang makausap ito at makapagpa-selfie. Hindi umalis si Fulgar at naupo na lamang sa audience area. Makikita ang mga larawan nila ng Korean star sa kaniyang Facebook post.

Ang pumalit na host sa kaniya ay si dating Pinoy Big Brother celebrity housemate na si Karen Bordador na na-bash naman ng fans ni Kristel dahil sa pagtanggap sa hosting job na inalis nang biglaan kay Kristel.