Bilang pasasalamat umano sa mga biyayang kanilang natatanggap, mamahaling mga relo at mga gold necklace ang pina-souvenir ng newlyweds na sina Jermine Jacob at Luvert Edison Dones Bondol sa kanilang humigit-kumulang 100 wedding guests.

Nagpakasal sina Jermine at Luvert noong Martes, Agosto 15, at ginanap ang kanilang reception sa Aquila Crystal Palace Tagaytay. 

Isang Michael Kors watch at 18-karat gold necklace naman umano ang natanggap ng bawat guest mula sa bagong kasal.

“Siyempre, natuwa po sila kasi ang bongga,” saad naman ni Aldrik Gohel ng Moments by Ruffa, ang coordinator ng newlyweds sa ulat ng Manila Bulletin.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Ayon pa kay Gohel, hindi naman naging madali ang pinagdaanan ng bride na si Jermine para makaangat sa buhay.

Naranasan pa raw nitong lumahok sa Wowowin noong 2019 sa pag-asang mananalo at magkakaroon ng pandagdag sa mga gastusin.

Nag-OFW rin daw si Jermine at talagang nagsumikap para suportahan ang kaniyang pamilya at makapagtapos ng pag-aaral.

Matapos nito, nakapagpatayo sila ng kasintahang si Luvert ng negosyo ng pagtitinda ng luxury watches na naging dahilan naman ng kanilang tagumpay makalipas ang dalawang taon.