Marami ang humanga sa busboy sa canteen na si Alan Suposo, 33, mula sa Parañaque City matapos niyang makiusap sa driver ng isang pampasaherong jeep na magba-barker siya upang makatipid ng pamasahe.

Makikita sa viral video ni Suposo ang kuwela pa niyang pagtatawag ng mga pasahero upang agad na mapuno ang jeep na siyang umaliw rin sa netizens.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Suposo na mula sa kaniyang boarding house sa Parañaque hanggang sa canteen na pinagtatrabahuhan niya sa Villamor airbase, nasa ₱40 umano ang pamasahe niya, o ₱80 balikan araw-araw.

Pauwi na raw siya galing trabaho nang makiusap siya sa driver na kung pwedeng siya ang magtatawag ng pasahero para makalibre ng pamasahe dahil tila short na siya nang araw na iyon. Masuwerte naman daw siya dahil pumayag ang driver sa kaniyang kahilingan.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

“Sobrang akong natuwa mas lalo na yung nag oo si kuya driver po saludong-saludo ako sa kabaitan niya po kasi noong nakiusap ako sa kaniya hindi siya nag atubili na sumagot sa akin ng ‘oo’,” saad niya.

Ayon pa kay Suposo, kahit mahirap ang buhay, nagtitiyaga umano siya para sa pangarap niyang bahay para sa kaniyang pamilya sa Leyte.

“May goal po ako kaya po ako nakipagsapalaran dito sa Maynila, kasi gusto ko ma-fully paid ko ‘yung bahay na binili ko para sa mga magulang ko po. ‘Yung inipon ko mula noong pumasok ako sa trabaho, pinadala ko sa probinsya para i-fully paid ‘yung bahay po. Hindi naman po siya kagandahan na bahay, simple lang po siya,” kuwento ni Suposo. 

“Tapos nagpapadala din ako sa mga magulang ko bawat sahod ko pambili nila ng bigas at ibang mga basic needs,” saad pa niya. “Hindi po ako susuko, lalaban po ako sa hamon ng buhay po para sa pamilya ko.”

Marami naman ang natuwa at humanga sa “diskarte” ni Suposo hinggil sa kaniyang pagba-barker. Narito ang ilang komento ng netizens:

“I’m so proud of you kuya

“I love the diakarte keep it up. #theattitudeisverypinoy

“Napakamadiskarte naman 😊😊 nakakaproud po 😊😊😊napakatotoong tao 😊😊God bless po kuya ☺️”

“Kulit e…’yung nakalibre ka na sa pamasahe, nakatulong ka pa...nakapagpasaya ka pa.”

“Ang galing ng diskarte mo ❤️❤️.”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!