Bukod sa social media personality at negosyanteng si "Rosmar Tan Pamulaklakin," isa na rin sa mga nakisali sa pag-"Marian Rivera" si Kapuso Comedy Queen Ai Ai Delas Alas, sa paghataw niya ng "Price Tag."

Kagaya ng ginawa ni "Rosmarian" ay ginaya rin ni Ai Ai ang damit at pa-sumbrero ni Yan sa nabanggit na viral TikTok video.

"Sa bawat laban ko sa buhay ay hindi ako sumusuko... kaya nagawa ko din naman kahit huli na," ani Ai Ai sa kaniyang Instagram post.

"Namputcha may bago ka na naman kambal tumitingin-tingin ka pa sa ulap sa taas ... ok na ko dito hehehehe ilang araw ko nga to inisip konte [lang] steps paano pa yung bago."

‘ROSMARian Rivera?’ Rosmar Tan, ‘di pahuhuli sa viral TikTok ni Marian Rivera

Tumugon naman dito si Marian, "Wahahahaha yung plenty kaya mo yun."

Sey naman ni Ai Ai, "Ayoko na kambal plenty of days ko maaral yun .. dami kong labahin at plantsahin pumapasok pa 'ko hahaha."

Sa kaniyang TikTok account ay makikita rin ito.

"Walamg susuko kambal... lahat ng laban ko sa buhay ay nalampasan ko... eto nalampasan ko din hahahahaha wohoooooo," ani Ai Ai.