Ibinahagi nina Bonoy at Pinty Gonzaga ang kanilang larawan habang karga ang pangalawang apo kina Toni Gonzaga-Soriano at Direk Paul Soriano, na si "Paulina Celestine."

"Enjoying our apo," caption ni Mommy Pinty sa kaniyang Instagram post noong Lunes, Agosto 14.

Makikitang kalong ng kaniyang mister na si Daddy Bonoy ang apong si Paulina Celestine habang hawak naman ni Mommy Pinty ang ulo nito, at all-smile na nakaharap sa camera.

Nagsilang si Toni noong Biyernes, Agosto 11 sa St. Luke's Hospital in Bonifacio Global City, Taguig.

Toni Gonzaga, isinilang na ang second child nila ni Paul Soriano

"Mommy @celestinegonzaga with Paulina Celestine #BabyGirl #GirlDad #GodisGood," anang Paul sa kaniyang Instagram post.