Muling ibinahagi ng aktor na si Elijah Canlas ang larawan nila ng yumaong kapatid na si JM Canlas kamakailan.

Dito ay sinabi ni Elijah kung gaano niya kamahal ang kapatid.

"I love you more than anything, JM. Mahal na mahal ka namin! Mahal na mahal na mahal ka ni kuya! Mahal na mahal na mahal na mahal! Habang buhay. Hambambuhay," aniya sa caption ng kaniyang Instagram post.

Photo courtesy: Elijah Canlas' IG

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Sa Instagram story naman ni Elijah, ipinakita niya ang kaniyang larawan kung saan nalaman niya ang nangyari sa kapatid.

Sa kabila raw ng mga nangyari, inisip pa rin niyang mag-work dahil iyon daw ang gusto ng kaniyang kapatid, kung sakaling nabubuhay pa ito.

"You've always been proud of me. Thank you for giving me the strength everyday to keep going and continue making you proud. Para sa 'yo, JM," aniya.

Photo courtesy: Elijah Canlas' IG

Agosto 3, 2023 nang inanunsyo ng isa pang kapatid ni JM na si "Jerom Canlas" ang pagpanaw ng kanilang kapatid sa gulang na 17.