Kahit mag-isa na lamang sa buhay, nagagawa pa ring itaguyod ni Nanay Crising ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagtitinda ng banana cue sa edad na 81 taong gulang.

Sa "Babala" segment ng E.A.T nitong Martes, Agosto 15, isa siya sa mga naging guest at na-interview ng mga host. Ang mga imbitado kasi sa nasabing segment ay ang mga "senior citizen na namumuhay mag-isa."

Sa panayam sa kaniya ng E.A.T. host pitong taon nang namumuhay mag-isa si Nanay Crising mula noong namatay ang kaniyang asawa noong 2016. Kuwento pa niya, hindi sila nabiyayaan ng anak ng kaniyang mister.

Upang tustusan ang pangangailangan sa araw-araw lalo't may maintenance na siyang gamot para sa highblood, nagbebenta si Nanay Crising ng banana cue sa kaniyang bahay sa Quezon City. Pa-minsan minsan daw inilalako niya pa ito.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Kahit na mag-isa na lamang sa buhay, tila pinagpala naman siya sa kaibigan dahil aniya namamasyal daw sila ng kaniyang mga kaibigan.

Pa-minsan minsan daw dinadalaw naman siya ng kaniyang mga kamag-anak kapag may okasyon sa kanilang pamilya.