Tila nagliwaliw sa Hongkong Disneyland ang 475 loyal employees ng isang kilalang clothing brand nang ipagdiwang nila ang ika-35 anibersaryo nito.

Ibinahagi ng founder ng BENCH na si Ben Chan sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Agosto 15, ang group picture ng kaniyang 475 loyal employees na dinala niya sa Hongkong.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“Grateful beyond words for the incredible journey with my BENCH family,” saad ni Chan.

“Our 475 loyal employees are the heart of this celebration as we embrace the magic of HK Disneyland. Here's to more dreams fulfilled together!” dagdag pa niya.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga showbiz personality na bahagi ng Bench. Ang mga netizen naman ay napa-"sana all" dahil magandang incentive raw ito sa mga loyal employee.

View this post on Instagram

A post shared by Ben Chan (@bcbench)

Bago makilala at magkaroon ng iba pang brands, nagsimula ang Bench noong 1987 bilang isang maliit na t-shirt shop sa SM Department Store sa Makati.

Nasa dugo na rin ng founder ng Bench ang pagiging negosyante dahil   siya ang anak nina Chan Lib at See Ying na nagtatag ng Liwayway Marketing Company, na nangungunang supplier ng starch sa bansa dahil sa sikat nitong flagship product na Liwayway Gawgaw.

Ika nga, the rest is history. Isa na umano ang Bench sa nangungunang lifestyle at fashion chain dito sa Pilipinas.