Milyun-milyong jackpot prizes ng Ultra Lotto 6/58, Super Lotto 6/49, at Lotto 6/42 ang naghihintay sa mga mananaya ngayong Martes ng gabi, Agosto 15.
Sa jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo sa ₱49.5 milyon ang premyo ng Ultra Lotto habang ₱32 milyon naman ang Super Lotto at ₱15 milyon naman ang regular Lotto 6/42.
Sa halagang ₱20 ay maaari nang mapanalunan ang mga sumusunod na papremyo.
Samantala, hindi tinamaan ang jackpot na ₱59.2 milyon sa 6/55 Grand Lotto draw nitong Lunes ng gabi.
Maki-Balita: ₱59.2M, ‘di napanalunan sa Grand Lotto draw