Wala umanong dapat ipag-alala ang mga netizen sa kaniyang pusang si "Manuh" na naispatan niyang tila nakaipit ang ulo sa pagitan ng metal bars sa kanilang sari-sari store, ayon sa viral Facebook post ng fur parent nitong si "Aylah Ormita Lopos," dahil mahimbing lamang daw itong natutulog.

"Promise okay lang po siya. Natutulog lang," paglilinaw ni Aylah sa kaniyang post.

Bukod sa maraming nakyutan kay Manuh, ilang netizens ang tila nabagabag sa puwesto ng pagkakahiga ng pusa, dahil kung titingnan nga naman ay parang naipit ang ulo nito.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa netizens.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Sleeping while on duty"

"Bawasan ang suweldo ng baby na 'yan, patulog-tulog eh hahaha char."

"Manuu saan-saan na nakakarating pic mo sungit mo kasee..."

Sa ulat ng Manila Bulletin kay Aylah, muli niyang nilinaw na maayos naman ang alaga at walang nangyaring masama sa kaniya.

Kuwento pa ng fur parent, mahilig talagang tambayan at tulugan ni Manuh ang kanilang sari-sari store; at kahit ganito, nagsisilbi siyang lucky charm dito dahil napapangiti na lamang ang mga suking mamimili kapag nakikita na siya.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!