“Hindi naman natahol si Marian,” sey ng netizen.

Hindi pahuhuli ang social media personality at negosyanteng si Rosemarie “Rosmar” Tan Pamulaklakin sa bagong trending na sayaw ngayon sa TikTok na pinangunahan ng Kapuso actress na si Marian Rivera.

Marian Rivera trending dahil sa 'Price Tag' challenge

Sikat ngayon sa TikTok ang pagsayaw ni Marian ng remix version ng “Price Tag” ni Jessie J.

Maki-Balita: Marian Rivera trending dahil sa ‘Price Tag’ challenge

Marami ang sumali sa trend na ito kabilang na si Rosmar.

“ROSMARIAN RIVERA,” saad ni Rosmar sa caption niya sa kaniyang Tiktok video.

Habang isinusulat ito, umabot na sa 8.3 million views ang kaniyang video.

Umani rin ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang pagsayaw ni Rosmar.

"Marian Rivera ukay version"

"d natahol si Marian Rivera"

"Nakalimutan niyo po i-only me"

"Marian Riverside"

"Marian Chusera eme hahaaah"

"Marian Rivermaya!"

"Hindi naman natahol si Marian"

"hayaan na po natin si Marian maam Rosmar"

"do whatever makes you happy❤❤❤"

"cute nyo po ❤️"

"Anooooo baa haha"

"medyo malayo sya hehehe "

"duet kayo maam rosmar ni marian rivera sa personal."

"nakakalito sino si marian"

"Marian Rivera kabahan kana 😂"

"Marian nevermind"

Matatandaang naging usap-usapan din si Rosmar dahil sa kaniyang music video na “Manalamin,” at hindi pa man humuhupa ang epekto nito, ay agad siyang naglabas ng isa pang music video na may title na “Utang.”