Nakapanayam ng "24 Oras" showbiz reporter na si Lhar Santiago ang Kapuso star-fashion socialite na si Heart Evangelista hinggil sa isyu ng pag-alis sa kaniya ng glam team, na naungkat dahil sa naganap na "GMA Gala 2023" noong Hulyo.

Marami kasi ang nagtaka kung bakit sa kapwa Kapuso star na si Rhian Ramos kasama ang kaniyang make-up artist na si Justin Louise Soriano, at hairstylist na si Jeck Aguilar.

Matapos tanungin ni Lhar hinggil sa bagong cosmetic brand endorsement at napipintong pagbabalik-telebisyon, dumako ang tanong tungkol sa isyu.

Ani Heart, mas pinipili niyang manahimik hanggang sa kusang mamatay ang kontrobersiya. Wala na siyang binanggit na anumang detalye tungkol dito. Wala rin siyang sinambit na kahit anong masamang salita laban sa mga dating miyembro ng glam team, na kasa-kasama niya sa vlog noon.

'Nag-unfollowan pa!' Heart, nilayasan na raw ng glam team?

“Life is like that. Madami tayong pagdadaanan with our careers, with our personal life. But everything’s for a reason, and everything is for us to be stronger so we can face anything else in life. So, I am very happy," matipid at nakangiting sagot ng aktres.

Malaking bagay rin daw ang nakukuha niyang "words of wisdom" mula sa kaniyang mister na si Sen. Chiz Escudero.

"My husband would always tell me, 'With the glory comes the punches,' so you can't have a perfect life, and nobody's perfect so everything's meant to make people better and stronger," aniya pa.

Matatandaang inakusahan ang make-up artist at ang iba pang miyembro ng glam team na "nilustay" raw ang credit card ni Heart nang lingid sa kaalaman nito.

Bagay na pinabulaanan naman ni Justin dahil may sarili umano siyang pera at panggastos para sa kaniyang mga pangangailangan.

https://balita.net.ph/2023/07/27/dating-make-up-artist-sumagot-sa-bintang-na-winaldas-nila-pera-ni-heart/