“Escort ko noong daycare, asawa ko na ngayon! 😍”

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Flinex ng netizen na si Kim Sibunga-Arroz, 25, mula sa Kabankalan City, Negros Occidental sa kaniyang Facebook post ang before-and-after photos nila ng kaniyang asawang naging escort lamang din daw niya sa isang event noong daycare sila.

Sa eksklusibong panayam ng Balita, ibinahagi ni Kim na una niyang nakilala ang asawa niyang si Peter Arroz, 25, noong daycare pa lamang sila sa Barangay Bantayan, Kabankalan City.

“Daycare po noong naging mag-partner kami sa isang program at kailangan po ng representative sa school namin. Kami po ang napagdesisyonang mag-partner ng teacher namin,” kuwento ni Kim.

Matapos naman silang grumaduate ng daycare, nagdesisyon daw ang pamilya ni Kim na lumipat sa Biñan, Laguna para doon niya ipagpatuloy ang kaniyang pag-aaral.

Dahil dito, 13 years daw silang hindi nagkita ng kaniyang escort na si Peter.

Sa kabila nito, lagi raw nakikita ni Kim ang larawan nila ni Peter noong naging mag-partner sila noong daycare dahil itinago umano ito ng kaniyang ina.

“Maraming nagsasabi na mga tao po na nakakakita ng picture namin sa album na siya po ang makakatuluyan ko sa huli,” ani Kim.

Nasa 18-anyos naman daw siya nang umuwi sila sa Negros Occidental at muling nakita ang kaniyang daycare escort.

“Nagkita po kami ulit. Pinakilala po siya ng mama ko na siya raw po ang escort ko noong daycare,” aniya. “Simula po noon tumatawag at chat na po siya sakin hanggang sa umabot po ng 7 yrs ang pagsasama namin."

Matapos ang ilang taong pagsasama, Agosto 8, 2023 daw nang mauwi na nga sa kasalan ang kanilang pag-iibigan.

“Masasabi ko po na full package siya ni Lord sa'kin, 101% walang kupas 'yung love,” saad pa ni Kim.

Para naman daw sa mga taong naghihintay ng kanilang forever, ani Kim:

“Darating ‘yung tao na para sa’yo sa perfect timing ni Lord.

Ecclesiastes 3:11. He makes all things beautiful in his time🥰🤍.”

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!