Isang bagong-bagong Kia Carnival car ang regalo ni Kapamilya actor Jake Cuenca para sa kaniyang inang si Rachele Leveriza Cuenca, na ibinahagi ng una sa kaniyang Instagram post noong Agosto 11, 2023.

Ayon kay Jake, kung may natutuhan daw siya sa pandemya, ito ay pahalagahan ang mga taong nasa kaniyang "circle."

"On the comeback after the pandemic I told myself to keep my circle small and make sure to take care of the people I love starting with you mama. 🥹"

"Got my mom a brand new car today. 🚙 I love you mama @rachecuenca kulang pa 'yan. 🥹"

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Thank you Lord for moments like this," dagdag pa ng aktor na napapanood sa "The Iron Heart."

Marami naman sa mga kapwa celebrities ang humanga at sinaluduhan si Jake sa kaniyang ginawa.

Kapansin-pansin naman ang pagkomento rito ng Kapamilya actress na si Chie Filomeno. Isang "pleading face" at "heart hands" emojis ang ikinomento rito ng aktres.

Marami naman sa mga netizen ang kinilig para sa kanilang dalawa. Buyo nila kay Chie, "green flag" ang ginawa ni Jake dahil ipinakikita nito kung paano ito magmahal sa ina.

"Green flag iyang future oh ❤️❤️❤️ happy for you dzai..."

"Ayyyieeee...."

"@chiefilomeno wow taray may pa-comment agad"

"@chiefilomeno Jake and you are a great match. It should be just the two of you."

"@chiefilomeno ❤️❤️❤️❤️ ang mapagmahal sa nanay o magulang mabuting asawa ate Chie❤️ kuya @juancarloscuenca 🔥🔥🔥🔥"

Matatandaang inamin ni Jake na may paghanga siya kay Chie.

Napansin kasi ng mga netizen na lagi siyang nagre-react sa mga Instagram posts ni Chie.