Nagluluksa ang RnB singer na si "Jay-R" matapos niyang ibahagi sa publiko na pumanaw na ang kaniyang amang si "Gaudencio 'Jun' Sillona, Jr." na mababasa sa kaniyang Instagram post noong Agosto 13, 2023.

Nasa Los Angeles, California ang singer nang i-post niya ang anunsyo tungkol dito.

"Love you dad. See you again on the other side," ani Jay-R.

Batay sa art card na kalakip ng kaniyang post, isinilang ang ama noong Enero 21, 1931 at yumao nitong Agosto 12, 2023. Siya ay 92 taong gulang.

National

PCO, pinasalamatan Kamara sa pag-apruba ng ₱2.281B proposed budget sa 2025

Nakidalamhati naman para sa kaniya ang kapwa celebrities at singers sa industriya gaya nina Karylle, Gian Magdangal, Gloc-9, Jolina Magdangal, Coleen Garcia, Tim Yap, Wendell Ramos, Troy Montero, Iza Calzado, John Prats, Jona, Zsa Zsa Padilla, at Ogie Alcasid.

Hindi naman tinukoy ni Jay-R ang dahilan ng pagpanaw ng ama.

Matatandaang ang Kapamilya singer na si Erik Santos ay nagluluksa rin sa pagkamatay ng kaniyang ama, ilang buwan lamang matapos pumanaw ang kaniyang ina dahil sa lung cancer.