
(Cagayan Provincial Information Office/FB)
High-value drug personality sa Region 2, natimbog ng PDEA
Dinakip ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 2 ang isa sa mga itinuturing na high-value target drug personality sa Tuguegarao City, Cagayan.
Nasa kustodiya na ng PDEA ang suspek na si Sherwin Ballad Rosario, 34, binata, isang tricycle driver at taga-Camia St., Barangay Tanza, Tuguegarao City.
Sinalakay ng PDEA ang bahay ni Rosario kung saan nasamsaman ng ₱120,000 halaga ng pinatuyong dahon ng marijuana, dalawang pakete ng shabu na nagkakahalaga ng ₱10,200 at drug paraphernalias.
Inaalam pa ng PDEA kung sinu-sino ang mga kasabwat ni Rosario sa pagbebenta ng illegal drugs.
Ang suspek ay nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.