Pangalawang beses nang nasusungkit ng aktres na si Nadine Lustre ang award na "Best Actress" sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) awards.

Ginanap ang 71st FAMAS awards' night nitong Linggo, Agosto 13, sa Fiesta Pavilion ng Manila Hotel.

Unang nakatanggap ng tropeo ng FAMAS si Nadine para sa pelikulang "Never Not Love You" noong 2019.

Bukod dito, lagi ring nominated si Nadine sa FAMAS para sa mga pelikulang "Para sa Hopeless Romantic" at "Ulan."

Nadine Lustre, 'Family Matters' iba pa nagwagi sa 71st FAMAS 2023

Ngayong 2023, si Nadine ang Best Actress ng nabanggit na award-giving body para sa pelikulang "Greed."

Sa kaniyang acceptance speech, bukod sa pamilya, kaibigan, at production team ng Greed, inialay rin ni President Nadine ang tropeo ng FAMAS sa kaniyang French boyfriend na si Christophe Bariou.

"Gusto kong i-dedicate sa lahat ng mga nagmamahal at sumusuporta sa akin sa buong pamilya ko, sa partner ko, sa friends ko, my team, sa bumubuo ng Greed," aniya.

Siyempre, hindi nawala sa listahan ang direktor ng pelikula na si Direk Yam Laranas.

"And Direk Yam Laranas, maraming salamat for trusting in me, pushing me, and for giving me this opportunity to do great. Maraming salamat po!”

Well, abangan kung sa susunod na mga pelikula ni Nadine ay ma-nominate ulit siya sa iba pang award-giving bodies.