Ibinahagi kamakailan ni Optimum Star Claudine Barretto ang mga kuhang larawan mula sa lunch nila ng mga dating boss sa Star Cinema at ABS-CBN na sina Malou Santos at Olivia Lamasan, na tinatawag ding "Inang."

Ayon sa Instagram post ni Clau noong Agosto 12, masaya siyang muling makasama sa isang lunch ang dalawang haligi ng Star Cinema, ang movie outlet ng Kapamilya Network, na nagbigay-daan upang makagawa ng mga de-kalibre at hindi malilimutang pelikula ang aktres, na hanggang ngayon ay patuloy pa ring pinapanood at binabalik-balikan.

"It was a great day to have had lunch with 2 of my Mentors ❤️ my Tita Malou & inang Olive," ani Claudine sa kaniyang caption.

"Thank you so much for lunch & bonding. To great projects ahead. Thank you so much & thank u Lord."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa isa pang Instagram post, "@direk.olivialamasan @malousantos03 thank u so much for having me.had fun with you both& i really missed u both.😘🙏 thank u Lord for a blessed day🙏"

Bagama't walang tinukoy kung ano ang dahilan ng kanilang pagkikita, naniniwala ang mga netizen na mukhang ito na nga ang comeback movie project ni Clau sa Star Cinema.

Marami sa mga netizen ang nagsabing deserve ni Claudine na mabigyan muli ng tsansa, lalo't isa siya sa mga itinuturing na "box office queen" ng nabanggit na movie company.

Ilan sa mga pelikulang tatak-Star Cinema ni Claudine ay ang "Milan," "Dubai," "Got 2 Believe," Nasaan Ka Man," "Sukob," "Etiquette of Mistresses," at "Anak."