Ang dating "Pinoy Big Brother" housemate na si Ylona Garcia ang umawit ng Philippine National Anthem sa Los Angeles Dodgers vs. Oakland Athletics baseball match game na ginanap sa Los Angeles, California, USA kamakailan.

Ipinasilip ni Garcia ang ilang video clip ng bahagi ng kaniyang pag-awit ng "Lupang Hinirang" sa nabanggit na baseball game sa kaniyang Instagram post nitong Agosto 12.

"Nagkaroon ako ng pagkakataong kantahin ang Lupang Hinirang (Philippine National Anthem) sa palaro ng Dodgers!!" anang Ylona sa kaniyang caption sa social media posts.

"Medyo kabado ako nung una na kantahin ito, dahil hindi ito ang sarili kong kanta. Pero kahit na ganumpaman, ito ang kanta na nag-rerepresenta sa aking sarili at sa aking bansa."

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

"Sinigurado ko na nasa tamang tono, tamang oras at higit sa lahat galing sa aking puso ang pagkanta ko nito."

"Sana’y napasaya at napahanga ko kayo, mga kababayan. sana ay proud kayo, Pilipinas!!"

Mukhang sa comment section ay "job well done" si Ylona batay sa reaksiyon at komento ng netizens.

"YOU WERE AMAZING YLONA!!! SO SO GOOD!!! EVERYONE SAID YOU WERE THE BEST! MABUHAY!"

"Proud ako sayo anobaaa!!!"

'Kami ay napahanga mo Ylona!"

"Very very proud ako sa 'yo. Hanga na ako sa 'yo nung nasa PBB ka pa!!!"