LAHAINA, United States - Umabot na sa 89 ang naiulat na nasawi sa wildfire sa Lahaina, Maui Island, Hawaii nitong Agosto 11.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sinabi ni Governor Josh Green sa mga mamamahayag, tataas pa ang bilang ng mga namatay dahil patuloy pa ang isinasagawang search operations ng mga awtoridad.

Sa pahayag naman ng non-profit research group na National Fire Protection Association, ito na ang pinakamatinding sunog sa Estados Unidos mula 1918 kung saan 453 ang nasawi sa Minnesota and Wisconsin.

Paliwanag naman ni Maui Police chief John Pelletier, maliit na bahagi pa lamang ng pinangyarihan ng sunog ang sinuyod ng mga awtoridad at dalawa pa lamang sa 89 biktima ang nakilala dahil sa tindi ng pagkasunog. 

"The remains we're finding are from a fire that melted metal. We have to do rapid DNA to identify every one of these," aniya.

Nauna nang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA) na wala pang nakukumpirmang nadamay na Pinoy sa insidente.

“Wala pang balita," reaksyon ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega kaugnay sa naiulat na tumataas na bilang ng natatagpuang nasawi sa sunog.

Sa datos ng DFA, nasa 25,000 Filipino-Americans ang nakatira sa sa Maui at ito ay 17 porsyento ng kabuuang populasyon ng isla.

Agence France-Presse