May pakiusap si Kapuso actress Kylie Padilla sa mga taong patuloy na nagta-tag sa kaniya o bumabanggit sa kaniyang pangalan sa tuwing may social media posts ang kaniyang estranged husband na si Aljur Abrenica at girlfriend na si AJ Raval.

Lately kasi ay panay posts ang dalawa habang sila ay magkasama sa Vancouver, Canada bilang guest performers sa isang concert.

Nadagdag pa rito ang pelikula ng dalawa na may pamagat na "Sugapa" na mapapanood sa Vivamax sa Agosto 25, 2023.

Sa kaniyang X post nitong Agosto 12 ng gabi, tila "narindi" na si Kylie sa ilang netizens na hanggang ngayon ay tila hindi pa nakaka-move on sa nangyari sa kanilang relasyon ng estranged husband.

AJ ngiting-wagas sa halik ni Aljur

"Love you guys but please stop tagging me on my ex’s and his gf’s posts. Honestly kapagod yung narrative. Please [lang.] Thank you," aniya.

https://twitter.com/kylienicolep/status/1690363592993075201

Ibinahagi pa niya ito sa kaniyang Instagram story.

Photo courtesy: Kylie Padilla's IG account/X account

Usap-usapan din kasi ang tila cryptic X posts daw niya na may kinalaman sa pagmamahal.

"AI, shape shifters, robots, aliens. All I got to say is, double check who you fall in love with haha. They might not be what you thought lol. Uhm so when they gonna confirm the mermaids existence," aniya sa kaniyang X post noong Agosto 11.

https://twitter.com/kylienicolep/status/1689884304615395329

Samantala, ibinahagi naman ni AJ ang lambingan nila ni Aljur habang naka-standby sa backstage para sa kanilang performance sa nabanggit na concert sa Canada.