Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa Agosto 28 ang paghahain ng certificates of candidacy (COC) para sa 2023 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKe).

Sa social media post ng Comelec, Lunes hanggang Sabado (8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon) ang filing ng COC na tatagal hanggang Setyembre 2, 2023.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Isasagawa ang paghahain nito sa City o Municipal Office of the Election Officer (OEO) na nakasasakop sa barangay kung saan nais tumakbo at mahalal ng isang kandidato.

Gayunpaman, sa ilalim ng Section 191 ng Comelec Resolution No. 10924, maaaring ilipat ang mga lugar para sa paghahain ng COC dahil sa mga kadahilanan tulad ng seguridad ng mga kandidato empleyado ng ahensya, masikip na lugar, o iba pang wastong batayan.

Kung walang bagong venue ang nakalista para sa isang partikular na distrito, lungsod o munisipalidad, ang lugar ng paghahain ng COC ay mananatili sa kinauukulang City o Municipal OEO.