Sa pagdiriwang ng Pilipinas ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong Agosto, halina’t balikan ang mga awitin sa wikang Filipino na tiyak na mas gigising sa iyong pagka-Pilipino.

Bayan ko 

“Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha at dalita

Trending

Lalaki, nalulong sa sugal; ipon na ₱800K, naglaho na lang parang bula

Aking adhika

Makita kang sakdal laya…”

Pinakasikat na rendisyon ng awiting "Bayan Ko" ang pag-awit ni Freddie Aguilar mula pa noong Martial Law at nang maganap ang  People Power Revolution noong 1986.

Ngunit hindi alam ng marami, ang awiting “Bayan Ko” ay inaawit na ng mga Pilipino noong Panahon pa lamang noong World War II.

Isinulat umano ni Jose Corazon de Jesus ang tula ng “Bayan Ko” noong 1920s, habang ginawa itong musika ni Constancio de Guzman.

"Imagine mo wala pa tayo, kinakanta na yun,” ani Aguilar sa isang ulat ng ABS-CBN News.

Ginawa umanong warning ng mga Pilipino noong WWII ang awitin kapag may dumarating na Hapon, kung saan sinisipol daw ng mga ito ang himig ng kanta sa mga baryo para alam ng mga guerilla na paparating na ang mga Hapon at makapagtago sila.

Pilipinas Kong Mahal

“Tungkulin ko’y gagampanan

Na lagi kang paglingkuran

Ang laya mo’y babantayan

Pilipinas kong hirang…”

Ang “Pilipinas Kong Mahal” ay isang makabayang awitin na nilikha ni Francisco Santiago at isinulat ni Ildefonso Santos noong 1931.

Una umanong naging popular ang awitin sa panahon ng mga Amerikano.

Ako ay Pilipino

“Ako ay Pilipino

Ako ay Pilipino

Taas noo kahit kanino

Ang Pilipino ay ako…”

Ang “Ako ay Pilipino” ay isang makabayang awiting isinulat ni George Canseco noong 1981 na inilabas noong rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. Orihinal itong inawit ni Kuh Ledesma.

Mga Kababayan Ko

“Mga kababayan ko

Dapat lang malaman nyo

Bilib ako sa kulay ko

Ako ay Pilipino…”

Ang “Mga Kababayan Ko” ay isang rap song na inawit ni Francis Magalona. Bilang isang awiting naglalathala ng pagiging isang “proudly Pinoy,” ito umano ang unang rap song na naka-hit ng No. 1 sa Pilipinas.

Ako’y Isang Pinoy

“Ako’y isang Pinoy sa puso’t diwa

Pinoy na isinilang sa ating bansa

Ako’y hindi sanay sa wikang mga banyaga

Ako’y Pinoy na mayroong sariling wika...”

Ang “Ako’y Isang Pinoy” ay orihinal na komposisyon ni Florante De Leon. Nagpapakita ang awitin ng pagmamahal sa bayang sinilangan at kung gaano kahalaga na tinatangkilik ng bawat isa ang kanilang sariling wika. 

Noypi

“Hoy Pinoy ako

Buo ang aking loob

May agimat ang dugo ko

Hoy, Pinoy ako

May agimat ang dugo ko...”

Ang “Noypi” ay awitin ni Bamboo na sumisimbolo sa tila pagpapabatid sa mundo kung paano dapat maging “proud” ang isang Pinoy sa kaniyang pagkakakilanlan at bayang sinilangan.

Pinoy Ako 

Pinoy, ikaw ay Pinoy ipakita sa mundo

Kung ano ang kaya mo

Ibang-iba ang Pinoy

Huwag kang matatakot

Ipagmalaki mo

Pinoy ako, Pinoy tayo…”

Ang “Pinoy Ako” ay awitin ng Orange & Lemons na maririnig din bilang theme song ng Kapamilya reality show na “Pinoy Big Brother.” Ibinibigay rin ng kanta ang mensaheng dapat ipagmalaki ng bawat isa ang kanilang pagiging Pilipino.

Para Sa ‘Yo Ang Laban na ‘To

"Para sa ‘yo ang laban na ‘to

Hindi ako susuko

Isisigaw ko sa mundo

Para sa’yo ang laban na to...”

Isinulat ni Lito Camo, ang “Para Sa ‘Yo Ang Laban na ‘To” ay inawit ni Manny Pacquiao, kung saan isa umano itong mensahe na inaalay niya sa Pilipinas ang kaniyang laban sa boxing bilang pambansang kamao.

http://www.youtube.com/watch?v=Dd_nxKn5PhY

Tayo’y mga Pinoy

“Tayo’y mga Pinoy

Tayo’y hindi kano

Huwang kang mahihiya

Kung ang ilong mo ay pango…”

Inawit ni Heber Bartolome at kaniyang Banyuhay, ang “Tayo’y Mga Pinoy” ay isa umanong mensahe na dapat tangkilikin ng mga Pilipino ang sariling atin.