Aliw na aliw ang mga netizen sa ibinahagi ng fur parent na si "Shey Ybañez" matapos niyang ipakita kung paano naging "accomplice" sa kaniya ang pet cat na si Leo.

"Teamwork with Mama ganda Shey Ybanez. Thank you Lala may sukli pa itaw. Love you," mababasa sa caption ng kaniyang Facebook post.

Makikitang kunwari ay nilagyan ng benda sa ulo at kamay ni Shey ang kaniyang alagang pusa at ginuhitan ito ng pulang lipstick upang kunwari ay magmukhang duguan ito.

Ipinadala naman ni Shey ang larawan ni Leo sa kaniyang ina, o "lola" ng alagang pusa.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"Ano nangyari sa apo ko?! Dalhin mo sa vet 'yan ngayon na!" tila naghisteryang sabi ng kaniyang ina.

Sumunod ay nagpadala ito ng e-money na nasa ₱5k.

Ang ending, nagkaroon ng pambili si Shey ng mga pagkain sa isang fast-food chain, at may pagkain na rin ang kaniyang kakuntsabang si Leo!

Marami naman ang naaliw sa pusa dahil talagang "convincing" daw ang akting nito.

Kung titingnan kasi, talagang nakahiga at nakapikit ang mga mata nito, na aakalain ng sinuman na talagang nasaktan.

Umabot na sa 45k reactions, 35k shares, at 3.5k comments ang nabanggit na viral FB post.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa aming Facebook at Twitter!