National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Itinanggi ng Land Transportation Office (LTO) ang naiulat na maaari lamang mapabilis ang pagpapalabas ng license plates kapalit ng pagbabayad ng ₱200.

Paliwanag ni LTO chief Vigor Mendoza III, nakatanggap siya ng ulat na ilang indibidwal at grupo ang nag-aalok ng katulad na serbisyo sa mga motoristang hindi pa nakukuha ang kaniilang plaka.

“Sinasabi ay para hindi na raw pumila ay magbayad na lang daw ng ₱200 para mabilis. I am telling our kababayan now na hindi po totoo 'yan meron na po tayong mga inihandang sistema para maging maayos, at mabilis ang distribution process,” anang opisyal.

“And take note, libre po ito kaya I am asking our kababayan to immediately report to us kung sino ang nanghihingi ng pera para makuha ang kanilang plaka dahil sisiguraduhin ko mismo na mapaparusahan ang mga taong ito,” pagdidiin ni Mendoza.

Matatandaang sinabi ng LTO na handa na ang kanilang ahensya na i-release ang 1.7 milyong unclaimed license plates bago matapos ang taon.