Masayang-masaya at nagpapasalamat umano si Unkabogable Star Vice Ganda sa Poong Maykapal dahil ibinigay umano sa kaniya ang taong nagpapasaya sa kaniyang puso ngayon---walang iba kundi ang kaniyang partner at co-host sa "It's Showtime" na si Ion Perez.

Ayon sa X post ni Vice, nagsisilbing musika sa kaniyang kaluluwa ang mga tawa ni Ion. Masaya siya kapag nakikitang nakangiti at masaya rin ang kaniyang jowa.

"Seeing Ion smile and laugh makes my heart so happy!!! His laughter is music to my soul. I thank God everyday for giving him to my life," anang komedyante na "most followed Filipino" sa nabanggit na social media platform.

https://twitter.com/vicegandako/status/1689990411811758080?ref_src=twsrc%5Egoogle%7Ctwcamp%5Eserp%7Ctwgr%5Etweet

'Us just minding our own business!' Vice Ganda ibinida sweet moments nila ni Ion Perez

Hindi ito ang unang beses na ibinahagi ni Vice Ganda kung gaano siya kasayang kasama niya si Ion lalo na sa mga panahong itong nababalot ng kontrobersiya ang kanilang programa dahil sa pag-call out ng Movie and Television Review and Classification Board o MTRCB, kaugnay ng reklamong "indecent acts" daw ng dalawa sa segment na "Isip Bata."