Sinuspindi muna ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang road works at shopping mall sales sa Metro Manila bilang paghahanda sa 2023 FIBA Basketball World Cup kung saan isa sa magiging host ang Pilipinas.

Metro

Lalaki, pinatay 7 empleyado ng bakery dahil pinagplanuhan daw siyang patayin ng mga ito

Ang nasabing hakbang ng MMDA ay epektibo mula Agosto 17 hanggang Setyembre 10 ng taon.

Bubuksan ang FIBA Basketball World Cup 2023 sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan sa Agosto 25 kung saan makakalaban ng Gilas Pilipinas ang Dominican Republic.

Bukod sa Philippine Arena, magsisilbi ring venue ang Mall of Asia Arena sa Pasay City at Araneta Coliseum sa Cubao, Quezon City.