Maging ang kontrobersiyal na drag queen na si "Pura Luka Vega" ay binanatan na rin ng social media personality at motivational speaker na si Rendon Labador.

Sa My Story ng kaniyang Facebook account na "Rendon Labador Fitness" ay ibinahagi niya ang kaniyang saloobin sa dapat gawin kay Vega.

"Nakapag-decide na ako, I want Pura Luka Vega out of the Philippines now," ani Labador na may emoji pang bandila ng Pilipinas at kamao.

Photo courtesy: Rendon Labador's FB via Newspaper

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Matatandaang deklaradong persona non grata sa ilang lugar at lalawigan si Vega dahil sa kontrobersiyal niyang drag art performance, na paggaya kay Hesukristo at paggamit ng "Ama Namin" remix.

Bukod dito, kinasuhan na rin siya ng ilang religious leaders na nasaktan at nasaling sa kaniyang ginawa.