Usap-usapan ngayon sa social media ang video clip ng pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy laban sa drag artist na si "Pura Luka Vega" dahil sa pagiging persona non grata nito, kaugnay pa rin sa paggaya kay Hesukristo at paggamit ng "Ama Namin" remix sa kaniyang drag art performance.

Sa X account ng SMNI News noong Agosto 10, 2023, sinabi ni Quiboloy na kung ginaya ni Vega si Heskuristo, dapat din umano siyang ipako sa krus.

"Ginaya niya si Jesus Christ. Matapos, binago niya ang Lord's Prayer?"

"Dapat ipako natin siya. Pangalawa, kamukha siya ni Judas kaya kailangan magbigti na rin siya. Iyan lang ang dalawang kalalagyan niya."

Pura Luka Vega, nag-react sa halos sunod-sunod na pagka-persona non grata

"In either way, he is a blasphemous individual and sana magkaroon pa ng kaliwanagan ang puso at kaluluwa niya, para magbagong-buhay siya at saka magsisi ng kaniyang mga kasalanan," giit pa ni Quiboloy.

https://twitter.com/smninews/status/1689596306581577728

Matatandaang idineklarang persona non grata si Vega sa iba't ibang lugar at lalawigan sa Pilipinas dahil umano sa kaniyang ginawa.