Ibinahagi ni European Union Ambassador to the Philippines Luc Veron ang kaniyang pagbabasa at pagtangkilik sa ilang mga akdang Pinoy.
Sa kaniyang post sa X (Twitter) nitong Biyernes, Agosto 11, makikita ang larawan ng mga aklat tulad ng “Ermita” ni Philippine National Artist for Literature F. Sionil Jose at “Voyager and Other Fictions” ni Palanca Awards Hall of Famer Jose “Butch” Dalisay Jr.
“On my bedside table for summer reads: diving into 'Ermita' by F. Sionil Jose, savoring my signed copy of 'Voyager and other fictions' by Butch Dalisay @penmanila, and perfecting my short game with 'The Four Foundations of Golf'. ,” ani Veron sa kaniyang post kasama ang hashtag na #LucLoves.
Ang 'Ermita', isa sa pinakasikat na akda ni Jose, ay kuwento ng isang babaeng ipinanganak sa labas ng isang mayamang pamilya, ngunit nagdusa sa magulong taon ng pananakop ng mga Hapon hanggang sa rehimeng Marcos.
Samantala, ang 'Voyager and Other Fictions', ay koleksyon ng 43 maiikling kwento na isinulat umano ni Dalisay mula pa taong 1975.