Ibinida ng sexy actress na si AJ Raval ang video clip ng pagpapaputok niya ng baril para sa isang gun firing activity, na makikita sa kaniyang Instagram post.

Isang mahabang baril ang ginamit ni AJ subalit hindi naman sigurado kung recent lamang ito o matagal nang ginawa.

Hindi naman makikita sa video kung kasama ba niya ang boyfriend na si Aljur Abrenica.

Sa umpisa ng video, makikitang may isang lalaking umasiste sa kaniya, pero hindi sure kung si Aljur ba ito o staff.

Aljur tinusta ng bashers dahil sa b-day ng anak, mas inuuna pa raw si AJ

Walang caption ang nabanggit na post subalit pinutakte ito ng iba't ibang komento mula sa netizens. May humirit pang alam na raw ni Aljur ang mangyayari sa kaniya kapag "niloko" nito si AJ.

"Awesome AJ!"

"Nice one po lods!"

"Galing naman ni AJ, sharpshooter. Stay pretty, healthy, safe and in love."

"Alam na ni aljur mangyayari sa kanya pag niloko ka niyan."

"Alam na para saan ang practice"

"Talonka sa paghahawak Ng baril ni Kylie tatawananan ka lang"

Kamakailan lamang ay ibinahagi ni Aljur sa Instagram post na magkasama sila ni AJ sa Vancouver, Canada para sa series of shows doon.