Asahan na papalo sa ₱56 milyon ang premyo ng Grand Lotto 6/55 na bobolahin ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ngayong Sabado ng gabi, Agosto 12.

Sa taya ng PCSO, aabot sa ₱56 milyon ang premyo ng 6/55 habang nasa ₱9 milyon naman ang regular Lotto 6/42.

National

Halos ₱50M, napanalunan sa 6/58 lotto draw

Abiso ng ahensya na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet at tayaan ang paboritong mga numero.

Nitong Biyernes, napanalunan ng isang mananaya ang halos ₱50 milyong jackpot sa Ultra Lotto 6/58.

Maki-Balita: Halos ₱50M, napanalunan sa 6/58 lotto draw