“Paulina Celestine Gonzaga Soriano has arrived.”

Isinilang na ni actress-host Toni Gonzaga ang second baby nila ng asawang si Paul Soriano nitong Biyernes, Agosto 11.

Proud na ishinare ni Paul ang balita sa kaniyang Instagram account kalakip ang isang maikling video clip ni Toni habang nakayakap kay Baby Paulina Celestine.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Mommy @celestinegonzaga with Paulina Celestine,” caption ni Paul sa kaniyang post kasama ang hashtags na #BabyGirl, #GirlDad at #GodisGood.

Pinangalanan daw nilang “Paulina Celestine” ang kanilang ikalawang anak alinsunod sa pangalan nilang mag-asawa. 

Base rin sa naturang post ni Paul, isinilang ang kanilang anak dakong 2:05 ng hapon ngayong Biyernes. May timbang umano si Baby Paulina Celestine na 6.8 pounds.

“Tin and Paulina are both doing great. Thank you for all your prayers and support. God bless you,” saad ni Paul.

Matatandaang Hunyo 4 nang kumpirmahin ni Toni ang kaniyang second pregnancy matapos siyang handugan ng “baby shower.”

MAKI-BALITA: ‘Kumpirmadong buntis!’ Toni Gonzaga, hinandugan ng baby shower