Inihayag ni Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na dapat kasama rin ang mga babaeng estudyante at miyembro ng LGBTQ+ community sa panukalang mandatory Reserved Officers’ Training Corps (ROTC) program para umano sa “gender equality.”

“Sila ‘yung nagsisigaw ng gender equality, ‘yung kababaihan, tapos ngayon sila ang ayaw? Ano ba 'yan?” ani Dela Rosa, ang principal sponsor ng ROTC bill.

“Sila ang nag-declare ng gender equality, equality to all opportunities. So, this is an opportune time, this is an opportunity given to them to serve their country. So bakit sila magrereklamo?" dagdag pa niya.

Binanggit din ng senador na mahalaga ang ROTC upang maihanda umano ang mga estudyante sa mga kalamidad at mga kaganapan sa bansa, tulad ng nangyayaring tensyon sa China sa West Philippine Sea.

National

De Lima, nag-react sa pahayag ni Espinosa na si Bato nag-utos na idiin siya sa illegal drugs

“Gender equality, so maging equal tayo sa kababaihan. Bigyan natin sila ng tiyansa na i-depensa ang ating bansa at magserbisyo sila in terms of calamity, at makatulong silang mag-respond in times of calamity kahit na just to secure their own families, their own children,” saad pa ng senador.