Sa kabila ng mga intrigang ipinupukol sa kanila ay masayang flinex ni Unkabogable Star at "It's Showtime" host Vice Ganda ang sweet moments nila ng partner na si Ion Perez, habang sila ay nasa iba't ibang trip.

Matatandaang kamakailan ay saglit na nagbakasyon ang mag-asawa, sa kainitan ng isyu ng pagpapatawag ng "Movie and Television Review and Classification Board" o MTRCB sa producers ng Showtime dahil sa umano'y "indecent acts" na ginawa nila sa segment na "Isip Bata."

Pagtatanggol naman ng netizens, wala silang nakikitang mali sa ginawa ng dalawa, at lalo raw walang masama sa pagkain ng icing ng cake.

Sa kaniyang Instagram post ay ibinahagi ni Vice ang iba't ibang compilation ng video clips ng pamamasyal nila ni Ion sa iba't ibang bansa, gayundin ang kanilang moments together.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Us just minding our own business," caption ni Vice.

"@praybeytbenjamin i love you & i love you! 🫰🏻 tugon naman ni Ion.

Mababasa naman sa caption ng clips ang "Have you ever just look at someone and say 'So this is what love looks like.'"

Ilan sa mga celebrities na nag-react at nagpakita ng pagmamahal at suporta sa kanila ay sina Wilbert Ross, Michael Leyva, Jackie Gonzaga, Francis Libiran, Chie Filomeno, Ryan Bang, at Miss Trans-Global Mela Habijan.

Maging ang ilang fans ay nagpakita ng kanilang suporta sa relasyon ng dalawa.

"People will always have something to say. They will ruin your peace of mind, your happiness and your life. But remember, as long as you’re together, no one will ever ruin your relationship. God bless you both."

"When someone like VG is at the top of her game, you need to have a partner na nakaalalay, pumapalakpak at masaya for you. Yung walang ego na kung sino yung mas sikat or mas malaki kumita. It takes a lot of HEART, COURAGE and to LOVE and STAY IN LOVE sa isang Vice Ganda at ibang klase yung puso at disposisyon sa buhay ng isang BENIGNO PEREZ."

"Best couple ever ignore the haters meme we love you."

"Love conquers all."