Nagbigay ng reaksiyon si Kapuso comedy star Pokwang sa naging panayam kay "It's Showtime" host Ryan Bang sa "Fast Talk with Boy Abunda" kamakailan, kung saan sinabi ng Korean TV host-comedian na mananatili siya sa Pilipinas dahil dito na siya lumaki at bansang tuluyang yumakap sa kaniya.

Sey ni Pokwang sa kaniyang X post, deserve ni Ryan manatili sa bansa dahil hindi siya manggagamit at oportunista.

"si@ryanbang deserve nya tumira at manatili sa Pilipinas kasi mabuting tao at hindi manggagamit at oportunista ❤️ yung iba dyan USER lang ang peg! No no no!!!! 👎🏼👎🏼," aniya.

https://twitter.com/pokwang27/status/1689442336584175617

'Undesirable alien!' Pokwang nanindigang kailangang ipa-deport si Lee O'Brian

Nagkasama sina Pokwang at Ryan Bang sa ABS-CBN noong nasa Kapamilya Network pa ang una.

Matatandaang naghain ng petisyon si Pokie para maipa-deport ang kaniyang ex-partner na si American actor Lee O'Brian.

https://balita.net.ph/2023/06/26/lee-obrian-pumalag-lalabanan-deportation-case-ni-pokwang/

Naghain naman ng counter affidavit ang aktor dito.