Sey ni Ryan Bang, mas selosa raw ang mga Filipina girlfriend kumpara sa mga Korean girlfriend. Agree ba kayo, girls?

Kasama ni Ryan ang “It’s Showtime” co-host at tinaguriang “Sample King” na si Jhong Hilario sa Fast Talk with Boy Abunda sa August 8 episode nito.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Itinanong ng King of Talk Boy Abunda kung ano ang pinagkaiba ng Filipina girlfriend sa Korean girlfriend.

“Ang Korean girlfriend, selosa. Ang Pinay mas selosa,” tawang-tawang sabi ni Ryan.

“Pero maalagain kasi ang mga Pinay,” buwelta naman nito.

Hiningan naman ni Boy si Jhong ng payo para kay Ryan tungkol sa buhay pag-ibig.

“Kailangan niyang tatagan ang sarili niya pagdating sa lovelife. Kasi si Ryan minsan all-out talaga,” sey ni Jhong.

“Madaling mainlove pa,” banat naman ni Boy.

“Ayokong magkaroon ng depression kapag nabigo, so kailangan maging matatag siya. Ituring niya ‘yun as experience,” dagdag pa ni Jhong.

Ngayon ay may nililigawan daw si Ryan at nakikinita niyang ito na ang kaniyang “the one.”