Plano na ni Land Transportation Office (LTO) chief Assistant Secretary Vigor Mendoza II na gamitin ang mga mall bilang distribution points ng mga unclaimed license plates.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Aniya, layunin lamang nilang mapabilis ang pagpapalabas ng mga plaka alinsunod na rin sa direktiba ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista.

“We are now looking at the distribution system, kausap natin ‘yung mga dealers, and malls na pwede rin silang point of distribution not necessarily our own district offices kasi baka ma-overwhelm eh,” aniya.

“Then we will also start the appointment system. Para ‘yung mga taong gustong kumuha ng plaka ay kailangang mag-appointment pagdating nila doon,” sabi pa ng opisyal.