Isang netizen ang kumuwestyon kay Kapamilya star at vlogger Ivana Alawi sa ginawa niyang pagpapa-picture sa "10,000 Roses Cafe & More" sa Day-as, Cordova, Cebu.

"10,000 Roses," aniya sa caption.

Isang netizen naman ang nagbiro sa kaniya, "anlaki ng bulaklak mo."

Hirit naman ni Ivana, "lagot ka sa jowa mo."

'Anlaki ng bulaklak mo!' Ivana tinabla netizen na humirit sa kaniya

Isang netizen naman ang nagtanong sa kaniya kung paano siya nakapagpa-picture sa mga bulaklak gayong bawal daw ito.

Sagot ni Ivana, pinayagan umano siya ng may-ari at may permiso naman.

"Bawal d'yan sa loob dba? Buti pinayagan ka."

"Yes pinayagan po nila ako. The owner was very kind and para din mapromote ang magagandang lugar sa Pilipinas tulad nyan," depensa ng actress-vlogger.

Photo courtesy: Ivana Alawi's FB

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

"Special treatment celebrity kasi."

"Vlogger kasi..."

"Hehehe oo nga bawal do'n, sa gilid lang din kami nag-pic hehehe pero gladly, pinayagan s'ya hehe."

"Papayagan talaga ma'am dahil sikat po si idol Ivana, at mai-promote din po n'ya business is business."

"Okay lang 'yon, malawak ang network ni Ivana, mapo-promote niya yung lugar. Huwag na kayong bitter."

"Pinayagan naman pala, siyempre si Idol Ivana 'yan eh!"